(this was written last January 8, 2006 at 2 AM)
Ilang oras na lang, lilipad na naman ako patungo sa ibang bayan. Ilang oras na lang, andun na ako sa lupain ng mga Thai, kasama ang ilan kong mga kaibigan at mga ka-trabaho. Eto ako, may hang-over pa ng mga kasayahan at kaligayahan naranasan ko sa tatlong linggong bakasyon ko dito sa Maynila. Simula sa pag-sopresa ko sa mga magulang, sa nobya ko, sa mga kaibigan ko hanggang sa tahimik na pag-alis ko mamaya, puro masasayang ala-ala ang naiisip ko. Hindi na naman ako makatulog, hindi dahil sa excited na akong makabalik, kundi, nalulungkot na ako kasi nga aalis na naman ako. Eto ayoko pag masyadong masaya e, masyado ka ding malulungkot pagkatapos.
Ibang kaligayahan ang makapag-pasaya ng ibang tao, lalo na kung mga bata dun sa DBAA project. Walang katumbas ang simpleng kagalakan ng mga inosenteng bata at kakulitan ng mga matatanda. Sa wakas din,nakita ko at nakasama sa personal ang ilang mga regulars dito sa Highfiber. Nakakatuwang isipin, na kung paano kami magturingan sa CB e ganoon din sa personal, wala nga lang na-sisipa at naba-ban. Ganun din kami magpalitan ng kuru-kuro katulad ng pag-lagay namin ng mga komento sa mga threads, yun nga lang, mahirap mag-poke kasi baka may umuwing duguan e.
Sa halos araw-araw na gimik kasama ang mga kaibigan, nobya at pamilya ko. Talagang na-maximize ko ang kaunting panahon na ginugol ko dito sa Maynila. Walang oras akong sinayang para mapasaya ang mga taong mahal ko sa buhay, at sila din naman e napasaya ako. Simple lang naman kasi ang kaligayahan ko, makita ko lang sila, e ayos na ko. Eto ang hirap sa mga nag-ta-trabaho sa ibang bansa, nagkakaroon ka ng favorite emotion --> missness.
Sa mga gimik ng mga taga-Hifi ulit. Akala nyo, nung DBAA lang kami nagkita-kita? Kala nyo lang yun. Sa dami ng mga nagkaroon ng "Hyperacidity", nabasa ang mga brief, at hindi pinayagan ng mga magulang/nobya/asawa kaya hindi nakasipot sa mga lakad. Kaya para magkaroon ng pagkakataon na makasama lahat, e di iba-ibang gabi ang mga gimik. Mabuti na lang at walang nagkaroon ng masyadong seryosong karamdaman, mga isa o dalawang araw lang sa ospital.
Sa huling hirit na EB/Gimik nung Biyernes, despedida sa mga aalis at welcome party sa bagong dating na naging masaya dahil may nawalan ng sapatos at umiyak dahil pinagplanuhang ihulog sa jacuzzi. Masaya pa din. Iba talaga ang tawanang walang halong alitan, (wala kasi kaming mutiny, kasi na-reset yung affinity ng pasimuno namin). Halos walang oras na hindi nagtatawanan, huminto na lang nung nanonood na sila *ubo* kami ng porn.
Ilang oras na lang paalis na ko. Kahit nalulungkot, pilit ko na lang inaaalala ang mga ngiti ng mga batang naka-tanggap ng regalo, ang sopresa sa mata ng mga mahal ko sa buhay, ang mga tawa ng bago at lumang mga kaibigan, ang amoy ng alak kasama ang mga bagong kaibigan at syempre, ang ala-ala na minsan ng Disyembre 2005 hanggang Enero 2006, nagkita-kita ang mga pricks, bitches, geeks, geekettes, jocks at cheerleaders ng Hifi, at walang na-poke.
0 Responses to "Aalis na naman ako..."
Post a Comment