Ikaw.
Oo ikaw
Ang kaisa-isang babae sa mundo
Na nagsabi na hindi ako malambing.
Naka-drugs ka ba?
Kahit kaninong babae mo itanong
Alam nila
Na ang gitnang pangalan ko ay..
L.
Lambing
Pasaway ka kasi palagi e
Laging pinipilit
Ang mahirap na paraan na naiisip.
Bakit kasi hindi mo makuha
Na ang buhay simple lang
Hindi pinapahirapan
Kaya nga may madali
At nakakatorete.
Sana naman, dun tayo sa madali.
Tapos galing mo pang tyumempo.
Kung kelan badtrip ako sa trabaho.
Bwisit sa boss ko
Irita sa kliyente ko
Saka ka mangungulit
Maglalambing
Aba syempre, di kita maaasikaso
Gumuguho na ang mundo ko e
Tapos magtatampo ka.
Goodness!! parusa talaga.
Ano bang meron ka ha?
Konting salita lang,
Mainit na ulo ko.
Konting kibot lang,
Mainit na dugo ko
Konting lambing lang,
Mainit na ko.
Isipin mo sana,
Babalik ako para sa yo.
At aalis
Para din sa yo.
Dami mang babae magka-kras sa kin
(hindi ko na kasalanan yun)
Sa iyo pa din ako.
Sa yong sa yo lang ako.
Sana pagpasensyahan mo yung pagiging masungit ko.
Pero mas masunget ka pa din sa kin.
Tuloy sana natin yung sabi ko dati.
Toyoin ka man.
Paborito ko ay adobo.
More view of the Manila traffic during the holiday season
-
More view of the Manila traffic during the holiday season
Yep! I did survived on that busy night. Im glad my way is going to the south
If you read th...
17 hours ago
2 Responses to "Toyo ka..."
waaaa ang sweet! sigh. naalala ko na naman. but enuf of me.. moment mo ito! hang swerti ng gurlette ha. nakakatuwa ang mainlove. nakakainis din. but the thought that u even put it into words is something na. naks. ang lab talaga.
engkz
acer has his words. :P he eats words for breakfast, lunch and dinner!
Post a Comment