Bakit ba ako andito?
Si Estong, sabi nya kaya sya andun dahil sa kanila.
Ako?
Bakit pa ba ako nagtyatyaga dito?
Miss ko na gempren ko.
Miss ko na nanay ko.
Miss ko na utol ko.
Miss ko na erpat ko.
Miss ko na yung dalawang aso ko.
Bakit ba ko andito?
Kasi, kailangan.
Kasi, para sa kin.
Kasi, para sa career ko.
Kasi, para sa pamilya ko.
Kasi, para sa magiging pamilya ko in the near future.
Kasi, para sa magiging anak ko in the near future.
Kailangan, wala ka naman kasing mahihita sa tin e.
Ayokong magtrabaho sa callcenter,
hindi naman ako bampira na sa gabi gising e.
Saka, pano ko tatanggapin ang salitang
"goodnyt, sweet dreams" kung papasok pa lang ako sa opisina?
Sa akin at sa career ko
Gusto kong maging expert sa career ko
Ngayon ang tamang panahon para dito
Konting training na lang, pwede na ko sa Europa.
Dun may snow.
Saka, gusto ko dun e.
Para madala ko gempren ko sa Italy.
Mamangka kami sa kanal.
At least sosyal diba?
Hindi na kami sa baha.
Sa pamilya ko,
Ayokong matulad sa min mag-utol.
Malayo tatay namin.
Lumaki kami nasa abroad sya.
23 taon na sya dun, bawat taon umuuwi
Hanggang ngayon ayaw pa din tumigil
Hirap kayang lumaki na malayo yung tatay.
Ayokong maulit yun sa magiging pamilya ko.
Hangga't bata pa ako
at binata
Dapat kong sulitin ang pagkakataon.
Malamang hindi mo maintindihan kung bakit kailangan.
Kailangan kasi e.
Iba ka kasi lumaki.
Ako iba din.
Gusto ko rin ng sama-sama.
Pero hindi papuntang kangkungan.
Patungo sa pag-unlad.
Di lang sa pera.
Kundi sa ugali, ligaya
Edukasyon, pag-ibig, atbp.
pero sa ngayon..
Pera muna
More view of the Manila traffic during the holiday season
-
More view of the Manila traffic during the holiday season
Yep! I did survived on that busy night. Im glad my way is going to the south
If you read th...
17 hours ago
5 Responses to "Kailangan kasi..."
rationalizing.....
the most important things in life are not things...
san ko nga ba to nabasa? ah lamko na. sa PDL.
sabagay, lahat naman ng nabanggit mo mahalaga. ang importante lang, ano ang mas binibigyan mo ng halaga.
sabi ni ycoy "bakit kelangan pang maghiwalay, kung pwede namang magkasama?" teka... may 'konek' ba yun sa entry mo? aba malay ko.
nuninu.
naiintindihan kita schoolmate! *apir* tatay ko 14years namen nde nakasama kaya nilulubos ko mga oras na kasama siya ngayon dito. konting hintay lang makakauwi ka din dun. ;)
kaya nga. haay. the choices we make for a better future. kailangan magkahiwalay ngayon para siguradong magkasama sa future. hay buhay.
uiii... emo.
bwahahah! nice decision tho. :)
Post a Comment