Bowling Day



Here's me and our red uniform... with Ed Cab and Buddy.




The "Strike Pose"

Tips kung gigimik ka at....

....uber-late yung kasama mo.


* Tawagan mo yung kasama mo, itanong mo kung gaano pa sya katagal.

* Habang nag-aantay, i-survey ang area, i-check kung may makukuha pa kayong seats sa loob ng bar.

* Kunwari, may tama ka na at nakikisayaw ka na kung kani-kanino habang nag-iikot ka sa bar.

* Pag sinuwerte, may friends ka pala sa loob ng bar, na may pwesto na, sa tabi ng mga chicks, lapit ka agad sa kanila at sabihin isa lang kasama mo, para i-accommodate ka nila.

* Maki-inom sa iniinom nila, (normally whiskey yun) makitawa at makigulo.

* Sayaw ka lang, tawa, pa-cute sa magandang chicks sa paligid, at tuloy ang inom ng libreng whiskey.

* Pagdating ng kaibigan, ipakilala sa mga nakita mong friends sa loob ng bar, at hingan mo ng pera pambili ng whiskey para hindi nakakahiya sa mga friends na naki-share kayo.

* Magdagdag ng 200 baht at ibigay yung pera sa mga friends na nakita mo sa bar para umorder ng isa pang whiskey.

* Pagdating ng 2nd bottle ng whiskey and mixers, tuloy pa din ang kwentuhan, tawanan, sayawan at pacute sa chicks sa paligid.

* __________________________________________________________ (this tip is left blank for the safety of the tipster)

* Bago umuwi, kumain muna ng noodles.

* Sumakay sa taxi at umuwi mag-isa.

* Pag gising sa umaga, mag-shower agad at uminom ng mixed fruit shake.



(Aug 5, gimik at Slim Bar @ RCA with thai-swiss fern, macho-boobie-singaporean lee, 35-year-old-indonesian-virgin-johan(jo-han), ever-friendly-pinoy joey, and me.)

Toyo ka...

Ikaw.
Oo ikaw
Ang kaisa-isang babae sa mundo
Na nagsabi na hindi ako malambing.
Naka-drugs ka ba?
Kahit kaninong babae mo itanong
Alam nila
Na ang gitnang pangalan ko ay..
L.
Lambing

Pasaway ka kasi palagi e
Laging pinipilit
Ang mahirap na paraan na naiisip.
Bakit kasi hindi mo makuha
Na ang buhay simple lang
Hindi pinapahirapan
Kaya nga may madali
At nakakatorete.
Sana naman, dun tayo sa madali.

Tapos galing mo pang tyumempo.
Kung kelan badtrip ako sa trabaho.
Bwisit sa boss ko
Irita sa kliyente ko
Saka ka mangungulit
Maglalambing
Aba syempre, di kita maaasikaso
Gumuguho na ang mundo ko e
Tapos magtatampo ka.
Goodness!! parusa talaga.

Ano bang meron ka ha?
Konting salita lang,
Mainit na ulo ko.
Konting kibot lang,
Mainit na dugo ko
Konting lambing lang,
Mainit na ko.

Isipin mo sana,
Babalik ako para sa yo.
At aalis
Para din sa yo.
Dami mang babae magka-kras sa kin
(hindi ko na kasalanan yun)
Sa iyo pa din ako.
Sa yong sa yo lang ako.

Sana pagpasensyahan mo yung pagiging masungit ko.
Pero mas masunget ka pa din sa kin.
Tuloy sana natin yung sabi ko dati.
Toyoin ka man.
Paborito ko ay adobo.

Kailangan kasi...

Bakit ba ako andito?
Si Estong, sabi nya kaya sya andun dahil sa kanila.
Ako?
Bakit pa ba ako nagtyatyaga dito?
Miss ko na gempren ko.
Miss ko na nanay ko.
Miss ko na utol ko.
Miss ko na erpat ko.
Miss ko na yung dalawang aso ko.
Bakit ba ko andito?

Kasi, kailangan.
Kasi, para sa kin.
Kasi, para sa career ko.
Kasi, para sa pamilya ko.
Kasi, para sa magiging pamilya ko in the near future.
Kasi, para sa magiging anak ko in the near future.

Kailangan, wala ka naman kasing mahihita sa tin e.
Ayokong magtrabaho sa callcenter,
hindi naman ako bampira na sa gabi gising e.
Saka, pano ko tatanggapin ang salitang
"goodnyt, sweet dreams" kung papasok pa lang ako sa opisina?

Sa akin at sa career ko
Gusto kong maging expert sa career ko
Ngayon ang tamang panahon para dito
Konting training na lang, pwede na ko sa Europa.
Dun may snow.
Saka, gusto ko dun e.
Para madala ko gempren ko sa Italy.
Mamangka kami sa kanal.
At least sosyal diba?
Hindi na kami sa baha.

Sa pamilya ko,
Ayokong matulad sa min mag-utol.
Malayo tatay namin.
Lumaki kami nasa abroad sya.
23 taon na sya dun, bawat taon umuuwi
Hanggang ngayon ayaw pa din tumigil
Hirap kayang lumaki na malayo yung tatay.
Ayokong maulit yun sa magiging pamilya ko.
Hangga't bata pa ako
at binata
Dapat kong sulitin ang pagkakataon.


Malamang hindi mo maintindihan kung bakit kailangan.
Kailangan kasi e.
Iba ka kasi lumaki.
Ako iba din.
Gusto ko rin ng sama-sama.
Pero hindi papuntang kangkungan.
Patungo sa pag-unlad.
Di lang sa pera.
Kundi sa ugali, ligaya
Edukasyon, pag-ibig, atbp.
pero sa ngayon..
Pera muna