This happened around the middle of September, after my over hyped interview with IBM (Eastwood). After the interview, I took a taxi on my way back to Makati.

Me: Boss Makati, sa Rufino

Taxi Driver (TD): Sang side boss? Sa Salcedo o sa Legazpi ?

Me: Dun mismo sa building ng Rufino… ay teka, diretso mo na lang sa Convergys.

TD: OK. Sige.

Paglabas ng Eastwood, traffic na.

TD: Traffic dito, tinanggal kasi yung U-turn slot e.

Me: Pambihira talaga o, e puro de-kotse andito sa Eastwood ah.

TD: Oo nga. Ano ba ginawa mo dyan boss?

Me: Interview dyan sa IBM.

TD: Uy ok dyan, laki daw ng bigay dyan.

Me: Heheheh, sana.

TD: Uso na naman mainframe ngayon no?

Me: (wow, did the taxi driver just mentioned mainframe?) talaga? No idea, more on machines ang work ko e.

TD: Ahh.. anong machine.

Me: Multiviewers kasi ako ngayon… yung mga machine na ginagamit sa mga OBVan. Yung mga display cards nya, video cards nya, may mga software yun, and QA ang job ko.

TD: Video cards? As in yung ginagamit sa mga desktop?

Me: Hindi, iba yun, manufactured mismo para sa kanila yun e.

TD: Plan ko nga pala mag-upgrade ng desktop e. Ok na kaya yung Quad Core ngayon?

Me: (huwaw!! Mag-a-upgrade ng desktop!! At alam yung QuadCore!!) Ok yun ah. Basta hwag ka lang mag-upgrade sa Vista, ang dami pang hindi compatible sa Vista.

TD: Gusto ko kasi pang-video editing.

Me: Then try mo MAC, sa office namin the best sila sa graphics and video editing.

TD: E ok na ko sa Windows, hindi talaga ako masasanay sa mouse na walang right-click.

Me: (Huwaw!! Alam ang right click sa MAC!! Slowly I realized, he’s not a regular taxi driver. Clean finger nails, techie savvy, and it looks like he owns the cab) Ok.

TD: Iba na talaga ngayon no… dati masaya na ko sa 20GB na hard disk, ngayon yung 150 GB ko sa bahay bitin pa. E yung friend ko nga e, yung mga video card nya yung mga twenty to thirty thousand pesos, at wala kang mabibili kahit saan nun. May connection sya sa Villman at mga prototypes lang ang binibili nya.

Me: Ang bangis naman nun, gamer yata yun e.

TD: Oo nga gamer yun, yung casing nga nya e wala pang power supply umabot na ng 17000.

Me: Cool yun ah.

TD’s phone rings.

TD: Hello… o… later mo na lang send yung fax

Me: (Syet!! May fax machine sa bahay!!)

TD: Nasa labas ako e. Later na lang… and oo, nakausap ko na attorney ko, sya na bahala dun sa mga licenses para dun sa event.

Me: (Huwaw!! May sariling attorney!! *faints*)

TD: Sige, later na lang, Green light na.

Me: Attorney? May kaso ka?

TD: Hindi kasi, ako ang event manager nung World Cyber Games dito sa tin.

Me: (Huwaw ulit… World Cyber Games Event Manager!! )

TD: Minsan nga nagjoin ako sa kanila e, ang gagaling talaga. Lalo na yung mga taga-Korea. Alam mo ba na sa Korea e treated as athletes silang mga gamers? May pa-condo at allowance pa.

Me: Ok ah, gamer ka din?

TD: Ah hindi, nakikisali lang.

I can’t remember most of our conversation and how we ended up talking about religion.

TD: Hindi na kasi ako pure Catholic e, may oriental influence na kasi ako.

Me: Oriental? Like Buddhism? Sabagay, mas gusto ko ang mga Buddhist kasi sila walang pakelamanan, kung ano gusto mo as long na wala kang nasasaktan ok lang.

TD: Iba kasi ang Buddhism compared sa Christianism, thru self enlightenment kasi sila. Isa pa, ang Buddhism, nagstart sya sa rich culture. Kumbaga they believe in reincarnation kasi mayaman na sila e di mas maayos pag nag-reincarnate sila kasi mayaman din sila e. E ang Christianism, nag-originate sya sa mga slaves? E biruin mo, maniniwala sila sa reincarnation e mahirap na nga sila e, babalik pang mahirap.

Me: (huwaw deep!!) Sige boss, dyan na lang ako sa Convergys. Thank you ha. (Sabay abot ng bayad)

TD: Sige.. Thank you din.

Huwaw… lessons learned from a taxi driver. I feel so dumb afterwards. Hehehehe.

6 Responses to " "

Anonymous (visit their site)

Sosyal. Tsaka in fairness ang haba ng kwentuhan nyo. Haha.

-CM

Anonymous (visit their site)

Astig yung taxi driver ah. Baka naman hindi taxi ang sinakyan mo? Hahaha!

Anonymous (visit their site)

note to self: tanungin muna ang taxi driver kung ano ang "video card".


td: boss, san tayo.

me: teka lang, ma. alam mo ba yung "video card"?

td: ha? video card? ano yun?

me: good... sa intramuros tayo.

Anonymous (visit their site)

hehe...okay ah...ang natatandaan ko lang na convo with a taxi driver nong asa callcenter pako eh eto:

me: sa Sitel po (name ng callcenter)

td: sa callcenter ka? mahirap ba jan?

me: sakto lang.... (me trying not to encourage a conversation...)

td: kelangan ba magaling na magaling sa english? magaling kasi ako sa French eh...pede kaya ako dun?

so...yeah... ^-^

Unknown (visit their site)

ano yung taxi nya? trip lang? kasi wala siyang magawa dun sa isa nyang kotse kaya nya ginawang taxi???

meeklamb (visit their site)

hows your interview in IBM? you hired? hows the environment there? Is it good? =)