What were you like in highschool? :D

first year highschool
- 4' 11" lang height ko, payatot, maitim at matining ang boses
- 1st love kong babae, binasted ako at tinapon yung gift ko sa kanya, 5'2" height nung babae 1st year din sya, after nyang itapon yung gift ko, hindi na kami nag-usap nun.
- 1 of the three only males na walang line of 7 buong taon
- 4 na beses nagpalit ng english teacher: 1 nanganak, 2 nag-resign sa kunsumisyon, 3 nagresign sa konsumisyon, 4 guidance counselor na
- nickname -> kulit
- other nickname "shaider" dahil sa polo jacket na maikli
- consistent member ng top 10
- nasuspinde dahil sa naglaro ng sipa sa loob ng classroom habang may teacher

second year highschool
- napabarkada at nabuo ang SPARC, mga adik sa paglalaro ng sipa at pag-sasayaw, dito ko narealize na kaya ko palang mag-tiktak, mag-vertical, mag-get up.. etc.
- naging bespren ko yung pinakamayabang na transferee student
- napagalitan kami ng pastor ng chapel dahil sa kakulitan namin ng bespren ko
- pinaiyak namin ng bespren ko yung biology teacher namin habang kumakanta kami ng "what shall yo doh whin the light is yillow.. light is yillow."
- pinahiya namin bio teacher namin sa exam kasi, kabisado namin halos lahat ng taxonomy ng lahat ng hayop na nadiscuss namin
- nabuwisit ang Math prof namin kasi, nilalaro namin ang grade namin sa Math, 1st grading 90, 2nd grading 81, 3rd grading 94, 4th grading 92..
- niligawan ng bespren ko yung first love ko nung 1st year, binasted din sya

third year highschool
- biglang taas ng height ko, 5'6" ako bigla
- sumali sa COCC
- nagka-gf ng 4th year na taga ibang school, tumagal lang ng 3 months
- naisayaw sa JS prom yung 1st love ko nung 1st year, friends na kami
- sumali sa MATH olympiad sa KAMANAVA, kaso nag-katrangkaso nung finals na, kaya di nakasali
- naging contributor sa school newspaper
- nag-excel sa computer class at sa Chemistry


fourth year highschool
- naka 6th and 8th place sa copy reading at sports writing sa buong malabon
- company commander ng CAT
- news editor sa newspaper pero walang nagawang news
- student teacher sa computer class (kaisa-isang room na aircon)
- naging girlfriend ko na yung first love ko nung first year.

4 Responses to "What were you like in highschool? :D"

Aquabitch (visit their site)

Siguro nung 3rd year ka naging "Party Boy", kaya biglang tangkad ka.


Hula ko lang.

astro_prick (visit their site)

ampness!!! grade three yun!! tagal na nun. :P

keekai (visit their site)

wow! milestone report!

next... what has thailand done to you! hahaha

Anonymous (visit their site)

" dito ko narealize na kaya ko palang mag-tiktak, mag-vertical, mag-get up"

di ko maisip! *bleurgh*

hahaha!!!