simpleng tula, patama

Kaibigan,

Ano ba pagkakaiba natin?
Hindi lang sa maputi ka at maitim ako
O malaman ako't ika'y patpatin
Isipin pa natin sa iba pang aspeto.

Gusto ko sya, gusto mo din
Kung sinunod mo ang puso mo,
Nagmasid ako't tumingin
Nangulit, nanood at umupo.

Kung ikaw sa pakikipagtalastasan
Patawa't biruan naman ako
Sa malalim mong kaalaman
Katawan ko naman, inalay ko.

Ano ba uli pagkakaiba natin?
Nasaktan ka, ako? baka ..siguro
Handa ka bang muling ulitin?
Ako? oo, hindi... ewan, malay ko.


Kaibigan,

Ano ba pagkakaiba natin?
Nandito ako, andyan ka.
Di lang sa lupain at kultura suriin,
Pati ugali't karaka'y idagdag na.

Gusto mo sya, gusto ko din
Emosyon ang pinairal mo,
Ang tuso mong damdamin,
Nakakatuwa, pero nag-isip lang ako

Makulit ka, talentado pa
Nagmasid ako ulit, tumingin
Sa bawat tipak mo sa gitara
Ngiti at letra lang sa akin

Ngayo'y nalulunod ka,
Ako nama'y nasa tubig din.
Tayo nga'y magkaiba
Lumangoy ako't sumisid pailalim.

1 comments:

Anonymous (visit their site)

Magaling..simpleng pero astig..Gawa ka pa ulit..Bookmark ko ang blog mo..thanks